Tips sa Pagsisimula ng Negosyo gamit lang P1,000 pesos na Puhunan Alamin mo dito !
MAYNILA — Bagong taon, bagong oportunidad. Ito ang paniniwala ng business mentor na si Paulo Tibig matapos padapain ng COVID-19 pandemic ang maraming maliliit na negosyo noong nakaraang taon. Ayon kay Tibig, kahit P1,000 lang ang puhunan, puwede nang magsimula ng pagkakakitaan. Alamin muna umano kung ano ang pangangailangan ng merkado at tiyaking kalidad o naiiba ang produkto o serbisyo. "Kapag gaya-gaya ang mentality natin, mas mataas ang failure kaysa sa success ng isang nagsisimulang magnegosyo," ani Tibig. "Kailangan natin something that will be creative, something innovative, something na katanggap-tanggap ng merkado," aniya. Tulad ng sariling timpla ng ham na ginawang negosyo ni Diana Azores noong magpa-Pasko ng 2016. Tatlong kilo ang una niyang benta gamit ang P1,000 puhunan na natira sa huling suweldo. Nitong Disyembre, 150 kilo ng home-made ham ang naibenta ni Azores. "'Yong home-made ham ko is ginawa siya para t