Ika- 77th rank sa "World Most Powerful Passport" sa Taong 2021 bakit Bumababa ang rank ng Passport natin at ano ba kahalagan Nito ? Alamin mo Dito
Pilipinas nasa ika-77 sa listahan ng ‘world’s most powerful passports’ sa taong 2021
Nasa ika-77 puwesto lamang ang Pilipinas sa listahan ng pinakamakapangyarihang pasaporte sa buong mundo
Mas mababa ito ng tatlong puwesto kumpara sa nakaraang taon
Nananatiling pinakamakapangyarihan naman ang bansang Japan at sinundan ito ng Singapore
Nasa ika-77 puwesto ang Pilipinas sa listahan ng ‘most powerful passport’ sa buong mundo base sa listahan na inilabas ng Henley & Partners Passport Index para sa taong 2021.
Kasama ng Pilipinas sa nabanggit na puwesto ang mga bansang Cape Islands at Dominican Republic.
Ayon sa listahan, ang sinumang may hawak ng Philippine passport ay maaaring pumasok sa 66 bansa nang hindi kailangan ng visa o visa-free. Samantala, 160 na destinasyon naman ang kailangan ang visa.
Mas mababa ito ng tatlong puwesto kumpara noong nakaraang taon kung saan nasa ika-74 ang Pilipinas. Katumbas naman ito noong 2019 kung saan nasa ika-77 puwesto rin ang bansa.
Samantala, napanatili naman ng Japan ang puwesto bilang pinakamakapangyarihang pasaporte sa mundo sa nakaraang tatlong taon dahil sa 191 destinasyon kung saan hindi na kailangan pa ang visa. Pumangalawa naman ang Singapore na mayroong 190 destinasyon.
Tabla sa pangatlong puwesto ang Germany at South Korea na mayroong 189. Sumunod naman ang Finlad, Italy, Luxembourg at Spain na may 188 destinasyon; Austria at Denmark na mayroong 187; at France, Ireland, Netherlands, Portugal at Sweden na may 186.
Kulelat naman ang Afghanistan (26), Iraq (28), Syria (29), at Pakistan (32).
Ang Henley Passport Index ay ginagawa ang ranking ng pasaporte ng 199 na bansa sa buong mundo at nakadepende ito sa bilang ng destinasyon na hindi na kailangan ng visa para makapasok.
Ayon sa website nito, ang ranking ay nakabase sa “exclusive data from the International Air Transport Association (IATA), which maintains the world’s largest and most accurate database of travel information, and enhanced by ongoing research by the Henley & Partners Research Department.”
Source: Henley Passport Index
Comments
Post a Comment