Ika- 77th rank sa "World Most Powerful Passport" sa Taong 2021 bakit Bumababa ang rank ng Passport natin at ano ba kahalagan Nito ? Alamin mo Dito
Pilipinas nasa ika-77 sa listahan ng ‘world’s most powerful passports’ sa taong 2021 Nasa ika-77 puwesto lamang ang Pilipinas sa listahan ng pinakamakapangyarihang pasaporte sa buong mundo Mas mababa ito ng tatlong puwesto kumpara sa nakaraang taon Nananatiling pinakamakapangyarihan naman ang bansang Japan at sinundan ito ng Singapore Nasa ika-77 puwesto ang Pilipinas sa listahan ng ‘most powerful passport’ sa buong mundo base sa listahan na inilabas ng Henley & Partners Passport Index para sa taong 2021. Kasama ng Pilipinas sa nabanggit na puwesto ang mga bansang Cape Islands at Dominican Republic. Ayon sa listahan, ang sinumang may hawak ng Philippine passport ay maaaring pumasok sa 66 bansa nang hindi kailangan ng visa o visa-free. Samantala, 160 na destinasyon naman ang kailangan ang visa. Mas mababa ito ng tatlong puwesto kumpara noong nakaraang taon kung saan nasa ika-74 ang Pilipinas. Katumbas naman ito noong 2019 kung saan nasa ika-77 puwesto rin ang bansa. Samantala, nap