Tips sa Pagsisimula ng Negosyo gamit lang P1,000 pesos na Puhunan Alamin mo dito !
- Get link
- X
- Other Apps
MAYNILA — Bagong taon, bagong oportunidad.
Ito ang paniniwala ng business mentor na si Paulo Tibig matapos padapain ng COVID-19 pandemic ang maraming maliliit na negosyo noong nakaraang taon.
Ayon kay Tibig, kahit P1,000 lang ang puhunan, puwede nang magsimula ng pagkakakitaan.
"Kapag gaya-gaya ang mentality natin, mas mataas ang failure kaysa sa success ng isang nagsisimulang magnegosyo," ani Tibig.
"Kailangan natin something that will be creative, something innovative, something na katanggap-tanggap ng merkado," aniya.
Tulad ng sariling timpla ng ham na ginawang negosyo ni Diana Azores noong magpa-Pasko ng 2016.
Tatlong kilo ang una niyang benta gamit ang P1,000 puhunan na natira sa huling suweldo.
Nitong Disyembre, 150 kilo ng home-made ham ang naibenta ni Azores.
Nasa P1,000 din ang puhunan ng magkaibigang Anna Sapilan at Evan Banquilay nang simulan ang pagtitinda ng lugaw at lumpia matapos tamaan ng lockdown noong Marso.
Libreng delivery umano ang susi sa P400 hanggang P800 kada araw na karaniwang kita.
"Simula noong lockdown sobrang mabenta kami, kasi 'yong iba bawal talaga lumabas, tinatamad sila lumabas. Pinapa-deliver namin sa mga asawa namin," kuwento ni Sapilan.
Ilan sa mga nakikita ni Tibig na patok na negosyo at hindi hihigit sa P1,000 ang puhunan ay ang pagbebenta ng pagkaing ready-to-cook, ready-to-eat, at innovative o kakaiba.
Kasama rin umano ang trading o pagba-buy and sell ng mga gamit online, pagbebenta ng mga tinging produkto tulad ng cleaning solution at sanitizer, at paggawa ng online content na puwedeng pagkakitaan sa pamamagitan ng subscription o pay-per-view.
Ayon din kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, puwede ring puhuinan ang P1,000 sa direct selling ng mga produkto mula sa mga established na kompanya.
"There is less risk. 'Yong capital mo will be much smaller," ani Concepcion.
Paalala naman ni Jerry Clavesillas, direktor ng Bureau of Small and Medium Enterprise Development: "Ang prinsipyo palagi sa pagnenegosyo, ‘wag nating galawin 'yong ating original na kapital, in fact nga dagdagan pa natin 'yon."
"Kung maliit lang na negosyo siguro at P1,000, hindi pa natin kailangan ng registration. Barangay clearance lang 'yan, kung doon lang kasi sa barangay," dagdag ni Clavesillas.
Source: abscbn News
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment