Mga Pampaswerte na Dapat ilagay mo sa iyong Pitaka o Wallet para di ka Mauubusan ng Pera

Tayong mga Pilipino ay likas ng naniniwala sa mga bagay-bagay katunayan pati mga kanunuan pa natin ay dami ring paniniwala mula pa noon at naipasa pa hanggang sa ngayon.

Kaya naman naniniwala tayo sa swerte at malas mga konseptong minana o na adopt pa natin galing sa mga tsino.

Pero bago ko simulan ang mga bagay na ito ; Nais ko lang din ipabatid na ito ay gabay lamang sa atin at parati ko ring ipaalala na may isang Dios tayong tagapag likha ng lahat at siya lang ang nakaka-alam kung ano ang mangyayari sa atin.

Pero ganun paman , walang masama o mawawala kung ating susubukan ang mga bagay na ito basta lang samahan ng pananalig sa may likha ng lahat at sipag para maabot ang mga mithiin sa buhay.

-Narito ang mga bagay na Pampa-swerte na dapat mong ilagay sa iyong Pitaka o Wallet para umakit ng maraming blessing sa iyo !

1. ) Dahon ng Laurel 
-Noon paman ang dahon ng Laurel ay pinaniniwalaan na ng taga europiya na may dala itong swerte at katunayan pa isa itong espisyal na dahon para sa kanila . bukod sa panghalo sa pagkain ay sinasabing pampa-swerte ito , para maakit ang maraming blessing sa iyong buhay.
Pamamaraan: 
-maglagay lang ng tatlong dahon ng laurel na buo pa at maayos na dahon sa loob ng iyong Pitaka o Wallet .

2.) Asin o Sea Salt
-Ang asin na galing sa dagat isa sa mga sinsabing pampa-swerte para sa taong nag-nanais ng maraming blessing .
Pinaniniwalaan kung maglalagay ka ng asin sa iyong pitaka o wallet ay ito ang mag absorb ng mga negative na enerhiya.
Bilang simbolo ng malawak na karagatan at malawak na kakayahang makapag-isip ng mga positibong mga bagay para swertehin ka!
Pamamaraan: 
Ilagay ang isang pulot ng Asin sa isang pulang tila at tahiin ito para hindi kakalat at ilagay sa loob ng iyong pitaka o wallet.

3.) Barya 
-Ang barya ay isang metal at nag-sisimbolo ng katatagan ang metal at noon paman unang panahon ay pinaniniwalaan na ito ng mga sina- unang tao.
At ito ay naging simbolo nang karanyaan at katatagan sa buhay nung unang panahon pa man .
Kaya laging mag-lagay ng barya sa iyong pitaka o wallet na simbolo nang katatagan at kayamanan sa buhay.

4.) Mga Mamahaling Bato
-Mga mamahaling mga bato tulad ng diamond , emerald , perlas at marami pang iba.
Kung mayroon kang mga mamahaling bato isa din ito sa mga pinaniniwalaang pampa-swerte sa loob ng Pitaka o wallet. Mainam itong ilagay sa loob nang pitaka o wallet mo kung sakali.
Dahil ang mga batong ito ay nagsisimbolo ng kinang at kaakit-akit tingnan at simbolo din ito nang kahalagahan dahil noon paman ang mga mamahaling mga bato na ito ay pinaniniwalaan ng naghahatid ng espisyal na swerte sa taong mayroon nito.

5.) Butil ng Bigas 
-Ang butil ng bigas ay nag-sisimbolo bilang pangunahing pangangailangan ng tao sa buong mundo at ito ay nag sisimbolo ng kasaganaan at malusog na pamumuhay .
Pamamaraan : 
Maglagay ng labing dalawang piraso butil ng bigas sa isang maliit na telang pula at tahiin ito ilagay sa loob ng iyong pitaka o wallet .

-At yan ang mga bagay na dapat ay nasaloob ng iyong pitaka o wallet para maka akit ng swerte sa iyong buhay .
Ikaw may Alam ka pa bang ibang pampaswerte Comment mo lang sa ating comment section .at wag din kalimutan pa subscribe sa ating social media account pati na ang website na ito salamat at God bless! 


By : Gala si Juan!

Comments

Popular posts from this blog

Ang inaakalang damo lang dati halamang gamot pala at maraming pweding mga sakit na malunasan sa halamang damo na ito basahin at nang malaman mo

Ikakagulat mo kung Gaano ka rami ang benepisyong makukuha sa Pag-imon ng katas ng tanglad o Lemongrass sa iyong kalusugan kaya pala isa ito sa mga itinuring na medical plant